OUTFIT IDEAS, FASHION STYLE INSPIRATION & FASHION ADVICE

Nagbibigay ng sama-samang ideya ng mga pinakamahusay na high street trends, trend outfits at naka-istilong outfits para sa lahat.
Maging sentro ng lahat ng pansin sa iyong pangunahing uri ng damit ngayon!
Maging iyong sarili at tiwala sa iyong mga estilo.
Kami ang TGT upang gawing madali para sa inyo na pumili ng isang pinakamahusay at nagte-trend na outfits!!!
This slideshow requires JavaScript.
OUTFIT #1
Naghahanap ba kayo ng casual ng pananamit? Oh, eto pak!!! meron kami nan para sayo!!!❤basahin na lamang sa ibaba;
-Pantaas: Plain shirt beige or orange – Brand: H&M Presyo: 599
San ito mabibili: SM Megamall
-Pambaba: High waist shorts blue – Brand: H&M Price: 750
San ito mabibili: SM Megamall o sa anomang branch na mayroon nito katulad na lamang sa mga mall
.
-Sapatos: White sneakers- Brand: Keds Price: 3,990
San ito mabibili: SM Megamall or kung saan mayroon branch ng bilihan
OUTFIT #2
Mayroon din akong isang patok na patok para sa mga gala mo na pang kabataan na kahit san ka man pumunta pero kadalasan ay pang “High Street fashion” kung tatawagin ito. Maari rin ito mag swak na swak sa iyong instagram feeds!!!! ❤
-Pantaas: Red checkered blouse – Brand: Forever21 Presyo: 1,230
San ito mabibili: SM Megamall branch
-Pantaas: Plain black singlet – Brand: Zaful Price: 575 San ito mabibili: Online order Zaful
Bottom High Waisted Jeans Blue – Brand: Forever 21
Price: 1,740 San ito mabibili: SM Megamall
This slideshow requires JavaScript.
OUTFIT #1
Semi formal na damit ba ang hanap niyo? Damit na pwedeng gamitin sa mga ibat’ibang pagdiriwang katulad ng kaarawan o kahit ano mang espesyal na okasyon? Sagot namin kayo! ❤
-Pang itaas na damit (off-shoulder)
Nagkakahalaga lamang ito ng 75 pesos sa Taytay, Tiangge.
-Palda na puti na swak na swak sa kulay ng off-shoulder, sa halagang 100 pesos.
-At puting sapatos na kahit anong tatak basta masaya ka 😂 basta plain para terno sa palda!!
Oh diba bongga na ang suot. Sa murang halaga ay meron ka ng magandang kasuotan! Ternuhan mo pa ng ilang palamuti sa katawan katulad ng simpleng kwintas at relo. Simple o light make up lamang ang gamitin upang makita ang pagiging simple at elegante. 😊
OUTFIT # 2
Kung denim style na pananamit naman ang hanap niyo, kami na rin ang bahala dyan! Bibigyan din namin kayo ng ideya.
Katulad na lamang nito.
-
Black shirt P65.00
-
Denim jacket P200
-
Pants P200
-
Secosana hand bag P469
-Primadona White shoes P1,200
Kung gusto niyong makamura, maraming ibat ibang klase ng denim na damit sa taytay. Mamili nalang kayo ❤😘 sa white shoes at bag naman, di bale ng mahal basta matibay diba mga bes?! Pero kung di gaano kalaki ang budget pwede na ang mga shoes at bags na nagkakahalaga lamang ng Php 250-400!! 😍
Tandaan niyo mga bes, nasa tao pa rin kung paano dadalhin ang istilo ng pananamit! 😘
This slideshow requires JavaScript.
OUTFIT # 1
You can be someone with your style! Gusto mo bang sumabay sa henerasyon ngayon? Well, wear some outfits na makakasabay sa millenials ngayon!
Kung naghahanap pa kayo ng casual attire eto pa ang pwede naming i-suggest sa inyo!
Sa pang itaas ay isang Knitted top(stripes) nangangahalagang 150 na nabili sa Taytay tiange
Sa pang ibaba ay White pants na halagang ₱200 sa Taytay Tiange.
Doll shoes na lang ang gamitin para maternohan ang outfit na ito. Huwag kalimutan magsuot ng mga aksesorya, makakatulong din ito para maging kumpleto ang iyong kasuotan!
OUTFIT #2
Mahilig ka bang mag-party? May mga damit tayong gustong suotin pero dapat naayon sa kaganapan na pupuntahan. At eto, magbibigay kami ng halimbawa kung ano ang pwedeng suotin para sa party na magiging komportable tayo.
Sa pang itaas ay white singlet na nangagahalagang 120 sa Taytay tiange. Magsuot lamang ng pangloob na kakulay ng iyong balat para hindi pansinin ang panloob mo.
Sa pang ibaba naman ay Black Shorts na may bulaklak para hindi maging plain ang iyong outfit.
Mag suot ng black jacket kung hindi komportable sa sleeveless shirt at magsuot ng sandals na babagay sa kulay ng damit at balat mo. Magsuot rin ng necklace para maging kumpleto.
Be your own style! Mag damit na naaayon sa pupuntahan! Nandito lang kami para maging gabay sa inyong mga susuotin!